42

By

Poe mumultuhin ng emergency powers – Panelo

Binanatan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si Senadora Grace Poe dahil sa umano’y pagkontra nito sa pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang trapik sa Metro Manila.

Ani Panelo sa isang interview sa CNN Philippines, malaking tulong sana ang emergency power pero kinontra ito ni Poe kaya darating ang panahon ay ‘mumultuhin’ umano nito ang senadora.

“From the very start obviously the grant of emergency power would have helped a lot. Since kinontra niya ‘yun… it will haunt her when the time comes,” wika ni Panelo.

Magugunitang una nang binatikos ng Pangulo si Poe dahil sa pagbibigay umano ng malisya sa emergency powers.

“‘Yang EDSA, hinayaan ko talaga because of a lady senator who said ‘no, no, ma-corrupt ‘yan.’ Hindi pa nga nag-umpisa ng project, nagsasalita na ng… ‘yung akala mo ‘yung kaharap niya corrupt, siya hindi,” ani Duterte.

“Sabihin ko kay Grace, Grace alam mo hindi lahat ng tao sa mundong ito magnanakaw. Better control your mouth. Holier than thou ka,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?