111
Poe, Go, Angara nanguna sa pinakabagong SWS survey
By

Poe, Go, Angara nanguna sa pinakabagong SWS survey

Umarangkada pa rin sa unang bahagi ng 2019 SWS survey sina reelectionist Sen. Grace Poe, dating SAP Bong Go at Sen. Sonny Angara.

Sa resulta ng survey na inilabas ng SWS, nakakuha ng 48% voter preference si Poe, 44% naman kay Go habang 38% kay Angara.

Numero uno si Senadora Cynthia Villar na may nakuhang 57% na mga botante.

Samantala, pasok sa Magic 12 sina Pia Cayetano (42%), Bong Revilla (36%), Bato dela Rosa (35%), Lito Lapid (35%), Nancy Binay (34%), Jinggoy Estrada (30%), Koko Pimentel (30%), at Bam Aquino (29%).

Isinagawa ang survey ng Marso 28-31 sa mga respondent nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?