165

By

Poe, Binay tumangging mag-‘Duterte fist bump’

Lahat ng bagong luklok na senador ang nagpakuha ng larawan habang naka-Duterte fist bump maliban kina Grace Poe at Nancy Binay sa ginanap na proklamasyon ng mga nanalong senador nitong Miyerkoles sa Philippine International Convention Center.

Pawang sina Senators Cynthia Villar, Christopher “Bong” Go, Pia Cayetano, Bato dela Rosa, Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel at Ramon “Bong” Revilla Jr., ang nag-“Duterte fist bump”.

Noong kampanya, tumakbong independent candidate si Poe habang si Binay sa ilalim ng United Nationalist Alliance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?