473
Sotto dinepensahan si Sara Duterte sa ‘honesty’ issue
By

Poe, Angara, Bam, Go pasok sa senatorial list ni Sotto

Pormal nang inendorso ni Senate President Vicente Sotto III ang sampung pambato niya sa senatorial race sa ginawang paglulunsad sa Luntiang Pilipinas Partylist sa Calamba, Laguna.

Kinabibilangan ito ng pitong reelectionist candidates na sina Senators Grace Poe, Sonny Angara, Nancy Binay, Cynthia Villar, Bam Aquino, JV Ejercito at Aquilino Pimentel III.

Pasok din sa listahan ni Sotto sina Taguig City Rep. Pia Cayetano, dating Sen. Lito Lapid at dating Special Assistant to the President Bong Go.

Ani Sotto, sinisiguro niyang ang lineup niya ng mga reelectionist ang dahilan kung bakit mataas ang trust at approval rating ng Senado.

Ito umano ay dahil sa sipag, hard work at transparency sa trabaho ng mga ito sa Senado habang si Go umano ay matagal na niyang kakilala.

“Matagal ko na siyang kakilala at matagal ko na ring nakasama noon pa man… Alam ko ‘yung tubo niya. Alam ko ‘yung hubog niya,” ani Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?