141

Mar 7, 2020 @ 18:03
By

PNP Major General Ramos wala pang malay

Nailipat nitong Sabado sa Asian Hospital sa Muntinlupa City si Philippine National Police Director for Comptrollership Police Major General Jose Maria Ramos na kabilang sa walong sakay ng helicopter na bumagsak sa San Pedro Laguna, Huwebes ng umaga.

Ito ang pahayag ni PNP Deputy Chief for Administration Police Gen. Camilo “Picoy “Cascolan, na inilipat na sa nasabing pagamutan si Ramos.

Sinabi ni Cascolan, kinumpirma sa kanya ni doctor Reolito Perez , hospital administrator ng Unihealth Southwoods Hospital na mula sa kanilang pagamutan sa Biñan, Laguna ay inilipat na sa Asian Hospital si Ramos pasado alas-8:00 ng umaga.

Agad naman nagtungo si Cascolan sa Asian Hospital upang alamin ang kalagayan ni Ramos.

Sinabi ni Perez, na medyo stable ang lagay ni Major General Ramos para mailipat ito ng ibang ospital.

Nilinaw naman ng nasabing doctor na nananatili pa ring kritikal at walang malay ang heneral.

Habang si PoilceMaj General Mariel Magaway, PNP Director for Intelligence ay nanatili pa rin nakaratay sa nasabing pagamutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?