1,711
PNP: Kaso ng pamamaslang kay Christine Silawan ‘solved’ na
By

PNP: Kaso ng pamamaslang kay Christine Silawan ‘solved’ na

Ikinokonsidera nang “solved” pero hindi pa umano “closed” ang kaso ng brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Senior Supt. Bernard Banac nitong Martes, dahil aniya kasalukuyan pang nakalalaya ang dalawa pang suspek sa murder case.

Noong Marso 16 nang maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating boyfriend ni Silawan na pangunahing suspek umano sa kaso.

Dito ikinanta ng suspek ang dalawa pa niyang kasabwat sa ginawang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?