152

Jun 30, 2020 @ 11:41
By

PNP aminadong mali sa pagpatay sa 4 sundalo

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na ‘misencounter’ ang nangyaring pamamaril sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu nitong Lunes.

Sa panayam kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac ng CNN Philippines, sinabi nito na nagkaroon ng kakulangan sa komunikasyon sa pagitan ng mga pulis at sundalo na humantong sa madugong insidente.

“Yes, we consider it as misencounter, a case where our cops might not have been able to identify properly those soldiers are our colleagues… This is really just an unfortunate incident… for maybe lack of proper identification and lack of communication between and among ourselves,” ayon kay Banac.

“This thing could have been prevented. This is a big lesson for us. We will take this seriously so this won’t happen again,” aniya pa.

Nangako rin si Banac na sila’y tutulong sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) para malaman ang puno’t dulo ng pagbaril sa apat na intelligence personnel ng Philippine Army.

Sa ngayon ay dinisarmahan na ang mga pulis na sangkot sa pamamaril at nasa kustodiya na ng Sulu Provincial Police Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?