27
PNP, AFP itatakda ang finals matchup
By ,

PNP, AFP itatakda ang finals matchup

Mga laro sa Linggo/Pebrero 10

(Pasig City Sports Center)
3 p.m. – NHA vs AFP
4:30 p.m. – Senate vs PNP

Susubukang posasan ng Philippine National Police (PNP) Responders at Armed Forces of the Philippines (AFP) Cavaliers ang finals ng UNTV Cup sa oras na makaharap nila ang kani-kanilang semis match sa Linggo sa Pasig City Sports Center.

Hindi gaya ng kanilang 78-76 na panalo kontra National Housing Authority Builders sa opener ng kanilang best-of-three semis, target ngayon ng Cavaliers na umariba agad sila sa kanilang 3pm duel.

Ganyan din ang misyon ng Responders sa oras ng makaharap na nito ang defending champions ang Senate Defenders sa kanilang 4:30 na match-up.

Nanguna sina dating Universiry of the East star Ollam Omiping at Jerry Boy Saracho sa Responders kaya agarang nakuha nito ang 79-74 na panalo sa kanilang semis starter.

Huling nagharap ang PNP at two-time champions na AFP sa Finals ng torneo may dalawang taon na ang nakakaraan at dito na nasungkit ng PNP ang kanilang titulo matapos ang tatlong subok nito.

Sa panig naman ng Cavaliers, nagawa nitong maalpasan ang Builders ni coach Bennet Palad sa pangunguna nina Jerry Lumungsod at dating Letran star Boyet Bautista na pumoste ng 20 puntos.

Ang Defenders naman ni coach Mike Fermin ay puntirya na ma-extend pa ang serye sa isang decider at kailangan nitong malimitahan ang opensa ni Omiping na tumapos ng 27 puntos sa huli nilang laro.

Ang mapipiling charity ng kampeon ay makakakatanngap ng P4 milyon habang P2 milyon naman ang sa runner up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?