102

By

Playoff mode, tulong kay Wells pakiusap ni Austria

Inumpisahan ng San Miguel Beer ang PBA Governors Cup sa 4-1, pero isa lang sa huling tatlong laro ang naipanalo at tuloy ay gumewang ang paghahabol sa grand slam.

Matapos ipagpag ang Columbian 113-107, nadalawahang sunod ang Beermen – una 127-119 sa NorthPort nitong Miyerkoles at ang 125-99 drubbing sa Meralco nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

“We’re so complacent because of our good start and they thought it’s easy to win,” ani coach Leo Austria.

Itinaas ng SMB ang titulo ng Philippine at Commissioner’s Cup, tapos ng walong laro sa season-ending conference ay dumausdos sa solo-fifth sa 5-3.

‘Di aniyapuwede ang papetik-petik lalo’t palaban ang imports ng ibang teams na all-out para pigilan ang slam ng Beer.

“We have to continue competing,” dagdag ng coach. “The problem in our last games, we are just playing. We are not competing. I told them we should start, act together especially in practice.”

Dahil parang ‘di aniya sila naghahabol ng pangatlong sunod na kampeonato, gusto ni Austria na maging playoff mode na ang Beermen.

Isa pa sa nakikita ng eight-time champion coach ay ang pagdedepende ng locals kay Dez Wells.

Tumabo ng 56 points ang import kontra Batang Pier pero ‘di natapos ang Bolts game nang abutin ng ankle sprain sa second quarter. Nakapagsumite si Wells ng 18 points, 3 rebounds at 2 assists bago naupo sa buong second half.

“They (locals) should provide help to Dez because for the fact that he scored 56 points, he can do a lot for our team,” giit ni Austria. “But he cannot do it alone. I think we have a problem with the locals because we are relying more on him.”

Kontra Meralco, nanguna ang 31 points at 13 rebounds ni June Mar Fajardo, may 12 si Alex Cabagnot. May pinagsamang 23 points sina Terrence Romeo, Marcio Lassiter, Chris Ross at Arwind Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?