38

By

Player of the Week si June Mar

Nahirang na PBA Press Corps Player of the Week nitong Hulyo 8-14 si five-time reigning Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen.

Ito ay kasunod ng kanyang kabayanihan sa dalawang huling panalo ng Beermen kontra Phoenix Fuel Masters at Rain or Shine Elasto Painters.

Nagsumite ang ‘The Kraken’ ng 22.5 points at 14.5 boards average nang itumba ng San Miguel ang Phoenix (128-108) at isunod ang Rain or Shine (89-87).

Nakalikom si Fajardo ng siyam na boto at tinalo sa weekly honor sina Robert Bolick (NorthPort), Bobby Ray Parks (Blackwater), Japeth Aguilar, Stanley Pringle at Scottie Thompson (Ginebra) at si Kenneth Ighalo (NLEX).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?