42

By

Plastic ban ipatupad na! – Villar

Sinabi ito ni Villar sa idinaos na tree-planting at clean-up activity sa Brgy. 649, Gasangan, Baseco Compound na kanyang pinangunahan sa pakikipag-partner sa Department of Environment and Natural Resources.

Base sa research noong 2015 ng international group Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment tungkol sa plastic pollution, pangatlo ang Pilipinas sa pinakamalaking source ng plastic sa mga karagatan, kasunod ng China at Indonesia.

Bukod diyan, nagbabala ang United Nations Food and Agriculture Organization na kapag hindi natugunan ang suliranin sa plastic pollution sa 2050, higit na dadami ang mga plastik sa karagatan kesa sa isda.

“The fish will eat all the plastic and they will all die and our ocean will become virtual desert,” sabi ng senadora.

Nauna nang inihan ni Villar ang Senate Bill 333 o ang Single-Use Plastic Product Regulation Act of 2019, na naglalayong i-regulate ang manufacturing, importation, at single-use ng plastic products.

Ayon sa senadora, lalong lalala ang suliranin sa plastic waste sa pagbili ng mga produkto na nasa sachets.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang single-use plastics ng food establishments, stores, markets at retailers.

Ang mga consumer ay obligado namang gumamit ng reusable materials at ang manufacturers na mangolekta, mag-recycle at magtapon ng single-use plastic. Hindi na rin papayagan ang importasyon ng single-use plastic.

Sa bawat single-use plastic na ginawa, ipinakalat at ginamit sa transaction, papatawan ng retailer ang consumer ng minimum levy na P5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?