202

By

Planong reclamation sa Pasay labag sa utos ni Duterte, SC!

Ang reklamasyon na pinaplano ng Pasay City Government sa Manila Bay ay paglabag sa utos ng Korte Suprema na linisin at i-rehabilitate ito, pati na sa parehong kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa fisherfolk alliance na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), ang pagbibigay ng Pasay City government ng “notice to proceed” sa reclamation ng 360 ektarya na municipal waters nito sa Manila Bay ay taliwas sa dalawang kautusan.

Bukod sa mandamus ng Korte Suprema, pinirmahan din ni Duterte ang Administrative Order No. 16 na nag-uutos na linisin at i-rehabilitate ang Manila Bay.

“This project is not just violative of the Supreme Court mandamus, but detrimental to the Duterte government’s promise to rehabilitate Manila Bay. If this project pushes through, it means that all actions of the DENR (Department of Environment and Natural Resources), DILG (Department of Interior and Local Government), and other concerned agencies early this year, were all just an act (Hindi lang ito paglabag sa mandamus order ng Supreme Court kundi taliwas rin sa pangako ng administrasyong Durterte na ayusin muna ang Manila Bay. Kung matutuloy ang proyekto, ibig sabihin ay palabas lamang lahat ng pinaggagawa ng DENR, DILG at iba pang ahensiya ng pamahalaan),” sabi ni Pamalakaya National Chair Fernando Hicap.

Ayon sa Pamalakaya, may mga nagsusulong na sa Kamara ng panukalang batas para gawing reclamation-free zone ang Manila Bay at pagdeklara dito hindi lang bilang national historical landmark kundi pati heritage site na dapat protektahan at pangalagaan ng pamahalaan. (Eileen Mencias)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?