68

By

Pippen: Williamson best NBA prospect kaysa kay LeBron

Todo-papuri si NBA Hall of Famer Scottie Pippen kay Zion Williamson at bilib ito sa potensyal nito.

Nang tanungin ni Rachel Nichols sa The Jump si Pippen kung si Zion Williamson ng ‘best NBA prospect since…’ nilaktawan nito si Los Angeles Lakers superstar LeBron James at sinagot nito ng best NBA prospect since Michael Jordan.

Ayon dito, kakaibang player si Williamson at espesyal ito dahil na rin sa kanyang pangangatawan na 285 pounds at pagiging explosive sa loob ng court.

“I think he’s going to be a different player. I think he’s going to be a game-changer. And we’re going to see something special out of this kid,” ani Pippen.

“I think he’s sort of the Charles Barkley throwback that you’re not going to be able to match up with him, in terms of meeting his physicality that he’s going to bring to the game,” dagdag ni Pippen.

Si 6-foot-7 forward Williamson ay nag-a-average sa NCAA ng 22 points na may 68.1% sa field, 9.2 rebounds sa kanyang freshman season sa Duke Blue Devils.

Si Williamson ay inaasahan na magiging first pick sa 2019 NBA Draft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?