135
Piolo umaasa ng reunion movie kay Judy Ann
By

Piolo umaasa ng reunion movie kay Judy Ann

Bago sila tumanda ni Judy Ann Santos ay ipinagdarasal ni Piolo Pascual na magsamang muli sila sa pelikula ng una.

Ani Piolo sa report ng PEP, wala na siyang balak pang mag-teleserye at sa halip ay looking forward siya sa paggawa ng maraming pelikula.

Kasalukuyan umano siyang nakikipag-collaborate sa award-winning directors na sina Brillante Mendoza at Lav Diaz.

Patapos na umano ang mga ito at malapit nang ipalabas.

Mayroon din aniya siyang movie sa Star Cinema pero hindi pa pwedeng sabihin ang detalye nito.

Isa umano itong reunion film pero hindi pa kay Juday.

“Juday and I will always be friends, no matter what happens, you know, Kapag nagkikita kami, parang… wala namang isyu talaga sa amin. It’s just a matter of time, I guess, when she’s free already to do the film. But keeping my fingers crossed, I hope, bago kami tumanda, and that’s what I always say. And anytime she’s free, I’ll make myself free for her,” aniya.

Wala naman umanong balak na magdirek ng pelikula si Piolo dahil hanggang pagpo-produce lang aniya siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?