310
piolo-pascual
Apr 1, 2018 @ 20:58
By

Piolo pinag-agawan, pinagsamantalahan nina Maja, Erich, Arci sa Paris

Inggit na inggit ang kalalakihan kay Piolo Pascual, dahil tatlong babae ang nagsamantala sa kanya sa Paris. Nag-show nga sina Piolo, kasama sina Erich Gonzales, Arci Muñoz, Maja Salvador, at Enchong Dee sa Paris, ang Kapamilya Fiest­a World 2018.

At bago ang concert, rampa kung rampa, picture taking sa kung saan-saan, lalo na sa Eiffel Tower ang grupo nila. At sa picture taking nila, umarteng dyowa nga sina Arci, Maja, at Erich ni Piolo. Kanya-kanya silang photo na kasama ang binata.

At sa bawat photo, kanya-kanya sila ng eksena. Palagkitan kumbaga ang drama nila. Na lahat nga ay halos dikit na ang mga mukha nila.
Parang may kontes sila nang pagalingan ng nose to nose, eye to eye, o lips to lips with Piolo, ha!

Sabi nga ng mga kaibigan nila, “Quota na kayo girls, ha! Sa picture pa lang with Piolo, sulit na ang bakasyon niyo, ha!”
Pero siyempre, sentro rin ng inggit si Papa P, dahil tatlo sa pinakapalaban, pinakaseksing artista sa Pilipinas ang malaya niyang nakakaharutan, ha! Aba, kahit sinong lalake, gugustuhin na maya’t maya ay maka-nose to nose, eye to eye, lips to lips sina Erich, Arci at Maja, ha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?