53

By

Pintor nadulas, todas

Patay ang isang pintor na posible umanong nadulas at nalaglag habang nagpipintura sa pinagtatrabahuhang construction site sa Quezon City, Martes ng gabi.

Kinilala ng Quezon City Police District ang biktima na si Ariel Saldua, 24, binata, pintor, tubong Zamboanga at stay-in sa construction site sa Achival Center na matatagpuan sa Scout Reyes, Barangay Paligsahan.

Sa inisyal na report, alas-11:45 ng gabi, Enero 14 ay nagkukuwentuhan ang mga kasamahang construction worker ng biktima na sina Ron Jake Yonzon at Mark Tonogan nang makarinig ng kalabog sa ground floor ng construction site.

Sabay na nagtungo sina Yonzon at Tonogan upang alamin kung ano ang narinig nilang kalabog subalit laking gulat nila nang makita ang duguang katawan ng pintor na nangingisay pa kaya agad nila itong ini-report sa kanilang foreman na si Rolando Yonzon.

Agad na isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Brian Christopher Hernandez sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa ulo.

Masusi namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may foul play sa sinasabing pagkakahulog ng pintor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?