36

By

Pinsala sa agrikultura ng pagsabog ng Taal abot na sa P577M

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na sumampa na sa P577.59 milyong halaga ang agricultural damage sa Calabarzon ng pagputok ng Taal Volcano.

Sakop nito ang kabuuang 2,772 ektaryang pananim at 1,967 na hayop.

Malubhang apektado ang pananim na bigas, mais, kape, cacao, saging at mga high-value crop.

Nakatakda namang mamahagi ang DA Regional Office sa Calabarzon ng P21.7 milyong halaga para sa crops at livestock sa may 17 local government unit kabilang na ang Agoncillo, San Nicolas, Talisay, Lemery, Laurel, Lipa City, San Jose, Nasugbu, Mataas na Kahoy, Balete, Cuenca, Alitagtag, Padre Garcia, Tanauan City, Malvar at Taal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?