74
Pinoy veteran pinarangalan ng San Antonio Spurs

Pinoy veteran pinarangalan ng San Antonio Spurs

Isang Pinoy ang binigyang-pugay ng San Antonio Spurs sa kanilang Military Appreciation Night sa AT&T Center.

Ang 103-anyos na si Liban Brillantes ay pinalakpakan habang suot ang national costume ng Pilipinas na Barong Tagalog.

Iginawad sa kanya ang isang customized Spurs jersey kung saan nakaimprenta ang kanyang edad bilang jersey number.

Si Brillantes ay ipinanganak sa Pilipinas, kasama sa 121st Infantry ng US Army sae dad na 19 at nakipaglaban sa World War 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?