65

By

Pinoy seaman sa Japan, naka-quarantine sa coronavirus

Nakasama ang isang Filipino seaman sa sampung katao na sakay ng isang cruise ship na kinakitaan ng severe symptoms ng 2019 novel coronavirus.

Inilagay sila sa quarantine sa isang pagamutan sa Japan.

Bukod sa Pilipino, mayroon ding tatlo sa Japan at Hong Kong, dalawang Australian at isang American na kinakitaan ng sintomas ng nCoV.

Nalaman na may 3,700 katao sa naka-anchor na cruise ship sa Japan ang inilagay sa dalawang linggong lockdown.

Habang ang 10 pasyente na may sintomas ng nCoV ay inilipat ng Japan Coast Guard sa ospital.

“I want to take sufficient care of the health of passengers and crew and make every effort to prevent the spread of the virus,” ayon kay Japan Health Minister Katsunobu Kato.

Nadamay ang cruise ship sa global coronavirus epidemic matapos na ang isang 80-anyos na lalaki sa Hong Kong na sumakay sa barko noong nakalipas na buwan ay nagpositibo sa virus.

Bumaba ang matandang lalaki sa Kagoshima sa southern Island ng Kyushu Japan noong Enero 22 kung saan sumama siya sa bus tour.

Lahat ng nakasakay sa cruise ship ay sumailalim sa health screening mula pa noong Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?