56

By

Pinoy seaman inatake sa gitna ng dagat, sinagip ng US Coast Guard

Agad tumugon ang isang U.S. Coast Guard helicopter crew para madala patungong ospital ang isang 29-anyos na Filipino crew member ng Marella Explorer 2 cruise ship noong Martes na inatake sa puso.

Nasa gitna ng paglalayag ang cruise ship mula Bridgetown, Barbados patungong Tortola, British Virgin Islands dakong alas-10:47 ng gabi nang i-report sa Coast Guard ang insidente, ayon sa Inquirer report.

Agad nag-deploy ng rescue swimmer para suriin ang kondisyon ng pasyente.

Kalaunan ay dinala na ang Pinoy crew sa Juan F. Luis Hospital sa St. Croix sa nabanggit na isla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?