21

Mar 20, 2020 @ 11:23
By

Pinoy sa Greece nahawa sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isang Pilipino sa Athens, Greece na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanilang bulletin noong isang araw, Marso 18, 2020, sinabing may mild symptoms ng sakit ang Pinoy at naka-home quarantine na.

Pinaabot na umano ng Embahada sa Athens ang kanilang emergency number sa naturang pasyente. Tiniyak din umano nitong minomonitor ang lagay ng lahat ng mga Pilipino sa Greece.

Hanggang nitong Martes, ayon sa World Health Organization, may 331 kumpirmadong kaso at apat na pagkamatay na mula sa COVID-19 sa Greece.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?