67

Feb 3, 2020 @ 19:59
By

Pinoy sa Dubai kalaboso sa pagnanakaw sa pasyente

Hinatulang makulong ang isang Pilipino sa Dubai, United Arab Emirates matapos mapatunayang guilty sa pagnanakaw ng pera sa isang pasyente.

Anim na buwang pagkakulong ang sentensiya sa Pinoy na empleyado ng isang ospital sa Dubai.

Nakita sa CCTV ang ginawang pagnanakaw ng 31-anyos na lalaki sa isang bag na naglalaman ng 20,000 dirhams o mahigit sa P270,000 na naiwan sa reception.

Inaresto siya matapos nito, ayon sa Khaleej Times.

Ang pera umanong ninakaw ng hindi pinangalanang Pinoy ay gagamitin sanang pambayad sa ospital ng babaeng Nigerian na nanganak noong Oktubre 2019.

Nakasaad din sa court order na matapos mabuno ng Pinoy ang kanyang sentensiya ay ide-deport ito pabalik sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,