38

Jun 15, 2020 @ 9:21
By

Pinoy pinasalamatan ni Trudeau

Nakiisa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa mga Pilipino at Filipino-Canadian na nakararanas ng diskriminasyon sa nasabing bansa.

Ngayon ding pinagdiriwang ang Filipino Heritage Month sa Canada, nagpasalamat din siya sa Pinoy community na tumulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic doon.

“Canada’s home to a dynamic community of over 837,000 people of Philippine origin. And across our country, Filipino-Canadians enrich our national fabric every single day. And throughout the month of June, we celebrate you and the important contributions you have made and continue to make to Canada, particularly in the fight against this global pandemic. We thank all those Filipinos working on the frontline,” wika ni Trudeau sa Facebook video ng Mabuhay Calgary, Hunyo 12.

“Unfortunately, there have been many incidents and acts of racism towards Canadians of Asian descent lately, including against Filipinos. This is unacceptable. Racism in any form has no place in Canada, and I want you to know that we stand with you. Have a wonderful month. Salamat,” aniya pa.

Ang racism ay ang hindi pantay na pagtingin at pagtrato dahil lang magkaiba ng pinanggalingang lahi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?