32

Jun 30, 2020 @ 13:24
By

Pinoy patay sa Disney cruise ship

Nasawi ang isang Pilipino na nagtatrabaho bilang painter sa loob ng cruise ship na Disney Wonder.

Ayon sa report ng Miami Herald noong nakaraang linggo, nagpatingin si Eddie Burgos Ragodon sa medical center ng cruise ship nang bigla itong manlamig, batay sa kwento ng kasamahan nito sa trabaho.

Samantala, hindi pa tiyak kung ano ang kinamatay ni Ragodon, na hindi susuriin pa lang ang labi sa COVID-19.

“We are saddened by yesterday’s passing of our longtime Crew Member, and we are mourning along with his family,” ayon kay company spokesperson Kim Prunty.

Nilarawan si Ragodon ng kanyang mga kasmaa bilang masayahin at pala-kaibigan. Nagtrabaho ito sa Disney Magic Ship mula March 2020 bago lumipat sa Disney Wonder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?