58

By

Pinoy nurse nagpaanak sa gitna ng flight mula Ireland

Suwerteng maituturing na may kasamang kapwa pasahero na isang registered nurse ang isang buntis matapos siyang mapaanak sa loob ng eroplano.

Nag-viral ang Facebook post tungkol sa Filipino nurse na nakapag-deliver ng healthy baby boy sa kalagitnaan ng flight noong July 9.

Ayon sa ulat, pauwi ng Pilipinas si Francis Dominic Mendoza, 25, nagtatrabaho bilang nurse sa Dublin, Ireland, para magbakasyon sakay ng Qatar Airways flight.

Biglang nag-labor ang isang Filipina passenger alas-singko ng madaling-araw habang nasa gitna sila ng Thai airspace. Wala umanong ibang kasama ang babae.

Nag-emergency landing ang flight sa Thailand para masigurong ligtas ang ina at sanggol nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?