20

Mar 21, 2020 @ 14:45
By

Pinoy nagpositibo sa COVID-19 sa South Korea

Nakapagtala ng kauna-unahang Pilipino na nadapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa South Korea.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Brigido Dulay, kinumpirma ito ng South Korean Center for Disease Control and Prevention.

“This is the first confirmed case of COVID-19 infection involving a Filipino in South Korea,” ani Dulay sa tweet.

Nitong Marso 20, mahigit 8,600 na ang positibo ng COVID-19 sa South Korea.

Sa naturang bilang, 2,233 ang na-discharge; 6,325 ang isolated at 94 ang namatay na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?