46

By

Pinoy na pari nanghingi ng dasal sa Australia wildfire

Dumulog ang isang Pilipinong pari sa Australia ng mga panalangin upang umulan, sa gitna ng mga malawakang wildfire sa dayuhang bansa.

Sinabi ni Saints Mary and Joseph Cathedral Administrator Fr. Joel Llave ng Armidale, New South Wales, laganap na ang mga sunog sa kanilang lugar simula pa Nobyembre 2019.

“At this time medyo clear na dito sa area namin. We had the bushfire around November-December, talagang napaka-usok niya on a daily basis,” sabi ni Llave sa ulat ng Radio Veritas.

“And now it’s toward the west and the south of Australia. So we really are asking for prayers para umulan sa Australia,” wika pa nito.

Patuloy aniyang nangongolekta ang diyosesis ng Australia ng mga donasyon mula sa mga deboto upang bigyang-tulong ang mga nabiktima ng wildfires. Nagtitipid din sila ng tubig sa kanilang lugar.

“In our own little way, merong mga special collections para sa mga affected families lalo na no’ng Christmas… Every week we have the prayer for rain, since last year pa. And in our area we have water restriction,” aniya.

Nasa 300 Pinoy ang nilikas dahil sa mga nasabing sunog sa Australia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?