118

Feb 9, 2020 @ 13:08
By

Pinoy na ex-US Armed Forces inaresto sa New York

Isang Pinoy ang napasama sa 75 undocumented immigrant na inaresto ng U.S Immigration and Custom Enforcement agent sa isang citywide operation sa New York City, US.

Ang 40-anyos na Pilipino ay dating miyembro ng US Armed Forces na dishonorably discharged matapos na ma-convict sa mga kasong attempted sexual assault of a child, attempted abuse of a child at attempted receipt of child pornography.

Ang hindi-pinangalanang Pinoy ay inaresto sa Forest Hills sa Queens, New York dahil sa Enforcement Removal Operations ng ICE na humahunting sa mga convicted undocumented immigrant.

Pero dahil sa Sanctuary City Laws na umiiral sa New York agad ding napalaya ang kalahati sa 75 naaresto. Hindi malinaw kung kasamang napalaya ang naturang Pinoy.

Protektado ng Sanctuary City Laws ang lahat ng undocumented immigrant sa mga lungsod ng New York, San Francisco, Los Angeles at iba pang malalaking siyudad sa Estados Unidos.

Sa ilalim ng naturang batas, hindi maaaring arestuhin ng immigration agent ang mga undocumented immigrant hangga’t hindi ito pormal na nahahatulan ng korte.

Ayon kay Thomas Decker, Director ng ICE Enforcement and Removal Operation, mapanganib ang naturang batas dahil marami sa mga krimen na nangyayari ay kinasasangkutan ng mga undocumented immigrant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?