37

By

Pinoy filmmaker wagi sa International Emmy

Pinataob ng isang Filipino filmmaker ang 26 finalists sa The International Emmy World Television Festival na ginanap sa New York City noong Nobyembre 23-25.

Ito ang unang pagkakataon na may nanalong Pinoy sa nabanggit na festival na tema sa taong ito ay “Stand Up for Peace”.

Panalo ang entry ng taga-Davao na si Breech Asher Harani, 27, sa JCS International Young Creatives Award 1 Minute Video Competition for Peace.

Napasama ang entry ni Harani na “Next to Me” sa top 3 na kinabibilangan din ng “P.E.A.C.E. – A Spoken Word” ni Funke Alafiatayo ng United Kingdom at “It Starts Within” ni Artes Ferruni ng Albania.

Hindi raw makapaniwala si Harani nang matanggap niya ang balita noong Oktubre, ayon sa Philippine Daily Mirror.

“I screamed a little. There were more than a hundred hopefuls around the world this year, but somehow I made it to the finals and among the three excellent entries. It’s really surreal,” wika niya.

Ang “Next To Me” ay tungkol sa nangyaring giyera sa Marawi noong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?