45

May 8, 2020 @ 9:14
By

Pinoy duo umabante sa ‘Britain’s Got Talent’

Standing ovation at apat na “Yes” ang nakamit ng dalawang Filipino dancer na nag-audition sa “Britain’s Got Talent.”

Pinabilib nina Ezekiel Vargas at Carl Magan ang madla at ang mga judge na sina Simon Cowell, Amanda Holden, Alesha Dixon at David Walliams.

Sinayaw nila ang “Proud Mary” ni Tina Turner, habang tuluy-tuloy sa pagpapalit ng costume sa buong pagtatanghal.

Inere ang kanilang pagsasayaw noong Sabado, Mayo 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?