341
Pinoy Dota 2 team wagi ng P26M sa kompetisyon sa China
By

Pinoy Dota 2 team wagi ng P26M sa kompetisyon sa China

Kampeon sa Dota 2 tournament na ginanap sa Chongqing, China ang “TNC Predator” na grupo ng mga Filipino.

Inanunsiyo ng grupo ang kanilang pagkapanalo sa World Electronic Sports Games (WESG) 2018 sa pamamagitan ng Facebook post.

“It is known that our group had encountered challenges outside the game way back last year, and we are thankful for those who stuck with us through thick and thin. We extend our thanks to Raven and eyyou who stepped up for us as stand-ins in this competition. We could’ve not achieved this feat without their hard work,” sabi ng “TNC Predator”.

Tinalo nila ang “Keen Gaming” team ng China at nakapag-uwi sila ng tumataginting na $500,000 o nasa mahigit P26,000,000.

Hindi ito ang unang beses na nagwagi ang “TNC Predator” dahil nagkampeon na rin sila noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?