27

Mar 20, 2020 @ 12:34
By

Pinoy DH sa Kuwait positibo sa COVID-19

Ayon sa Philippine Embassy, kumpirmadong nahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang Filipino domestic worker sa Kuwait.

May close contact umano ang naturang pasyente sa isang tao na bumiyahe kamakailan sa United Kingdom.

Gayunman, sinabi ng mga awtoridad na stable ang lagay ng Pinoy. Minomonitor na rin umano ito ng Embahada at ng Philippine Overseas Labor Office ng Overseas Workers Welfare Administration.

Dahil dito, pinayuhan ng Embahada ang lahat ng mga Pilipino sa Kuwait na manatili na lang sa kani-kanilang mga tahanan para ‘di na kumalat pa ang COVID-19, na nahawa na sa higit 240,000 katao sa daigdig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?