21

Mar 18, 2020 @ 15:32
By

Pinoy COVID-19 positive sa Singapore, sampa sa 11

Umakyat sa 11 ang bilang ng mga Pilipino sa Singapore na infected ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Singaporean Ministry of Health, ang “Case 256” ay isang 32-anyos na Pinay na walang travel history sa ibang bansa na apektado ng COVID-19.

Subalit iniuugnay ang pagkakasakit niya sa “Case 205”, na isang Pinay na nagpositibo sa COVID sa Singapore noong Sabado matapos manggaling sa Pilipinas mula Pebrero 27 hanggang Marso 6.

Kapwa na sila naka-isolate sa National Centre for Infectious Diseases.

Samantala, si “Case 211”, na isang 35-anyos na Pinay ay nakumpirma ring may COVID-19 noong Sabado.

Sa datos ng Department of Health as of March 15, dalawang Pilipino naman ang nakarekober na sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?