101

By

Pinoy bishop sa PNG, kinasuhan sa pag-expose sa mga abusadong pulis

Nahaharap sa kaso ang isang Filipino Catholic bishop matapos niyang ibunyag ang pang-aabuso ng mga pulis sa Papua New Guinea.

Naghain umano ang mga pulis ng defamation cases laban kay Bishop Rolando Santos, ng Alotau-Sideia, dahil sa pagsuplong nito sa “abuse of authority” incident na sangkot ang mga pulis.

Sa ipinadalang sulat ni Santos sa CBCPNews, sa kabila nito hindi umano siya nangangamba dahil marami ang nagpapakita ng suporta sa kanya lalo na ang Diyos na kanyang protector.

Hindi rin aniya pinanghihinaan ng loob ang 70-anyos na obispo dahil ang kaso niya ay isang “blessing in disguise” para maging bukas ang isipan ng iba na ipaglaban ang kanilang karapatan sa pamamagitan ng batas at hindi dahas.

Nag-ugat ang kaso ni Santos matapos niyang ilantad ang ginawang panununog ng mga lasing umanong pulis na miyembro ng Mobile Squad Task Force sa may 19 na bahay sa Daga Compound noong Setyembre 1.

Ibinahagi niya ito sa Facebook na naging viral.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?