39

By

Piñol welcome ng BARMM Chief

Nagkausap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Al Haj Ebrahim Murad para mapabilis ang mga programang pangkaunlaran sa Mindanao.

Kasama sa pulong na ginawa sa Malacañang, Miyerkoles ng gabi si Agriculture Secretary Manny Piñol at 12 minister ng Bangsamoro.

Ipinakilala ng Pangulo si Piñol sa grupo ni Murad bilang point man ng national government sa BARMM.

Sinabi ni Murad na nilinaw ng Pangulo sa kanila na hindi makikialam si Piñol sa trabaho at operasyon ng BARMM kundi aakto lamang itong extension ng kanyang supervisory work para mabilis na maipaalam sa kanya ang mga kakailanganing tulong ng Bangsamoro region.

Tinanggap aniya nila ang pagpasok sa eksena ni Piñol basta ang magiging papel lamang nito ay kung ano ang itinakda ni Pangulong Duterte na gagawin nito bilang pinuno ng Mindanao Development Authority o Minda.

“Welcome sa amin at walang problema basta gagawin lang ni Secretary Piñol kung ano ang itinakdang papel nito ,”ani Murad.

Naunang inihayag ni Pangulong Duterte na bago maupo si Piñol sa Minda ay kakausapin niya muna si Murad.

Si Piñol aniya ang magiging timon ng gobyerno sa Mindanao para mailarga na ang mga programang babago sa buhay ng mga taga-Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?