10

By

Piñol nanumpa na bilang MinDA chief

Nanumpa na nitong Miyerkoles bilang chairman ng Mindanao Development Authority (MinDA) si dating Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Sa harap ni Executive Secretary Salvador Medialdea nanumpa si Piñol.

Si Piñol ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte para mamuno sa MinDA noong Agosto 5 kung kailan nanumpa rin bilang acting Agriculture chief si William Dar.

Sa social media post, sinabi ni Piñol na anim na taon siyang magsisilbing MinDA chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?