151
Dating OFW sa Saudi, huli sa buy-bust sa Valenzuela
By

Pinlilit pang maghubad! Anime studio president, arestado sa panghahalay ng voice actress

Dinampot ng mga awtoridad ang isang presidente ng anime studio na nireklamo sa pangtatantsing sa isang voice actress at pinilit pang mag-pose para sa isang nude photoshoot.

Si Tomohiro Maki, isang 50-anyos na presidente ng Gainax Co. na nag-prodice ng Neon Genersis Evangelion, ay kinontra ang mga binabato sa kanyang isyu na sinabing kinuha umano niya ang mga nude photo sa kagustuhan ng aktres.

Saad ng Tokyo Metropolitan Police Department na si Maki ay suspek sa mga kahalayan sa dalagita na nasa edad 15 hanggang 19 anyos pa lang.

Napipilit umano ni Maki ang mga biktima sa pagsasabing sisikat umano ito sa oras na ginawa ang nude photoshoot.

Pinatira umano ng anime studio president ang babae sa kanilang residence, na napilit ang voice actress dahil pinalabas ni Maki na dormitory ang kanyang pamamahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?