131

By

Pinilit sa ‘extra service’: 13 masahista sinalba

Na-rescue ng mga pulis ang 13 na massage therapist sa Cebu City matapos umano silang pilitin sa ‘extra service’ nitong Sabado ng gabi, Disyembre 14.

Ayon kay Women and Children’s Protection Desk (WCPD) head ng Cebu na si Lt. Erlinda Mayam, nakakatanggap na sila ng report tungkol saq dalawang spa sa Barangay Mabolo at Barangay Cogon Ramos na bukod sa masahe ay pinipilit pa sa sexual activity.

“We conducted a case buildup after receiving the reports. Upon validation, we found out that the reports against the spas have basis and are true,” saad ni Mayam.

Nasa P500 umano ang bayad para sa extra service na iligal dahil nagmimistulang pugad ng prostitusyon.

Samantala, dinakip naman ang manager at kahera sa massage spa dahil sa paglabag sa Anti-trafficking in Persons Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?