415

By

Ping: Tolentino binubuyo si Villar kalabanin si Sotto

Isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson na ginigiit umano ni Senator-elect Francis Tolentino kay Senadora Cynthia Villar para labanan sa Senate presidency si Vicente “Tito” Sotto III.

Ani Lacson, nag-text umano si Senator-elect Imee Marcos kay Sotto at sinabi ritong si Tolentino ang kumakausap at nagtutulak kay Villar.

“Ito naibahagi sa akin ni SP [Senate President] kaninang umaga. Nagpadala ng text message si Senator-elect Imee Marcos at humingi ng paumanhin. Sabi niya misunderstanding. Kaya niya lang nabanggit ‘yan kasi kapartido niya si Senator Villar,” ani Lacson sa interview sa dwiz.

“At sinabi niya ang talagang kumausap kay Senator Villar si Senator-elect Tolentino, at ‘yan talaga ang nagpu-push na subukan na makipagsapalaran, makipagtunggali at baka sakaling makakuha ng numero. Pero lahat ‘yan parang pagpaplano,” dagdag pa ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?