118

By

Ping: Disciplinary action sa pagbangga ng Chinese sa bangka ng Filipino, ‘di sapat

Nakiisa na rin si Senador Panfilo Lacson sa mga opisyal na kumondena sa crew ng Chinese vessel na umabandona sa mga Pinoy na mangingisda matapos mabangga ang bangka sa West Philippine Sea.

Ayon kay Lacson, hindi na sapat ang ipapataw na serious punitive action ng Chinese government sa Chinese crew para makumbinsi ang mga Filipino sa “real friendly relationship” ng mga Pinoy sa China.

Nangangailangan na umano ng leader-to-leader talk ang nangyaring insidente.

“We don’t treat our friends like that, and we don’t expect to be treated that way either. Nothing short of a hard and serious punitive action by the Chinese leadership against the Chinese crew responsible for the cowardly act against our fishermen could assuage the majority of our countrymen’s strong apprehension about the sincerity of China towards us,” aniya.

“This incident calls for a leader-to-leader talk. As I said, nothing short of serious punitive action by the Chinese government against those responsible can convince us of a real friendly relationship between our peoples,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?