57

By

Pinay tourist nabundol ng kapwa Pinay sa California

Nasawi ang isang 48-anyos na Filipina tourist matapos mabangga ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa California.

Ayon sa ulat sa Unang Balita, unang nabundol si Marianne Natividad ng isang SUV habang bumibisita sa kanyang kaibigan sa California mula sa Dubai.

Huminto umano ang SUV pero hindi nito tinulungan si Natividad at sa halip ay iniwan nitong nakahandusay sa kalsada dahilan para masagasaan muli ng isa pang dumaang sasakyan.

Nadakip ang driver ng SUV na kinilalang si Delilah Paray, 65, isa ring Filipina.

Samantala, hindi naman kakasuhan ang driver ng ikalawang sasakyan na nakabangga kay Natividad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?