110

By

Pinay OFW sa Saudi, pinagtatrabaho kahit may bali ang paa

Isang Filipina ang humingi ng tulong para sa kanyang kaibigan na minamaltrato umano ng employer nito sa Dammam, Saudi Arabia.

Ayon sa Facebook user na si Mhera Dayaday, “badly injured” ang paa ng kanyang kaibigan matapos mahulog sa hagdan.

Makikita sa litrato na nagtatrabaho si Precious Dianne Elnas habang nakaupo sa wheelchair. Naka-cast pa umano ang paa nito.

Tinukoy din ang agency ng OFW sa Pilipinas na EJM Global Manpower na hinihingan ng tulong para sa repatriation nito.

Nagmula umano sa South Cotabato is Elnas at nagsimulang magtrabaho sa Saudi Arabia noong September 17, 2018.

Matapos mag-viral ang post, binura na ito ng uploader pero naibahagi ng netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?