326
crime-scene-
By

Pinay nurse pinatay sa bugbog sa Toronto

Patay na ng matagpuan ng mga pulis ang isang pinay sa kanyang bahay sa Toronto, Canada.

Tadtad ng pasa ang buong katawan ng biktimang kinilalang si Rhoderie Estrada, apat na put isang taon gulang may asawa at tatlong anak na tubong Mabini, Pangasinan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon rumesponde ang mga pulis dahil sa tawag sa 911 mula sa bahay ng biktima kung saan natagpuan ng mga pulis ang wala ng buhay na katawan ng biktima sa isang kwarto sa loob ng bahay nito.

Pinatay umano ng bugbog ang biktima batay sa mga marka sa katawan nito.

Ayon sa initial forensic report posibleng pinatay ang biktima sa pagitan ng alas-10:00 ng gabi hangang alas dos ng madaling araw ng hindi pa nakikilalang salarin na posibleng pumasok sa bahay ng biktima.

Napansin ng mga imbestigador ang bukas na bintana na posibeng dinaanan ng suspek.

Isinailallim na sa finger print examination ang bahay ng biktima.

Ikinalungkot naman ng Filipino Community ang karumal-dumal na pagpatay kay Estrada.

Bukod sa pagiging nurse, nag-mamay-ari din si Estrada at asawa nitong si Gerald Aquintey ng isang kilalang Filipino restaurant sa toronto, Canada.

Inilunsad na ng Toronto Police malawak na imbestigasyon para agad na mahuli ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?