65

By

Pinay na-quarantine sa Hong Kong

Sinailalim sa isolation ang isang Filipina migrant worker sa Hong Kong dahil sa hinihinalang pagkakaroon ng novel coronavirus.

Ayon sa tweet ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay nitong Biyernes, ini-release din makalipas ang 14-day quarantine period ang Pinay nang walang lumabas sa kanyang sintomas ng virus.

“Good news naman! The first Filipina OFW quarantined in HK has been released by the HK Health Dept as she remains healthy and showed no symptoms of nCoV infection after the 14-day quarantine period,” saad ni Dulay.


Ang pinakawalang Pinay ang isa sa dalawang domestic worker na na-quarantine sa Hong Kong dahil sa pagkaka-expose sa coronavirus.

Ang 39-anyos na employer umano ng Pinay ay namatay dahil sa komplikasyon sa coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?