92

Feb 12, 2020 @ 22:37
By

Pinay na empleyado pinag-shopping ng Syrian boss

Hinangaan ang isang Syrian vlogger dahil sa pagpapahalaga nito sa kanyang empleyado.

Ayon sa Facebook post ni The Hungry Syrian Wanderer, nagmula ang empleyado niyang si Jossy sa remote area sa Mindanao.

Nagtungo ito sa Metro Manila nang mag-isa para makipagsapalaran at makahanap ng trabaho para sa kanyang pamilya.

Ani The Hungry Syrian Wanderer, binigyan nila ng permanent job si Josy.

Dahil sa pagiging hardworking, pinamili niya ito ng mga damit at pinag-makeover, na hindi pa nito naranasan dahil sa pamilya ang number 1 priority nito.

“She was training with us for few weeks and hold a surprise to officially hire her and give her a permanent job in a very special way. Make over and a shopping which she never had experience before since her family is her number 1 priority,” ani The Hungry Syrian Wanderer.

“You can have the best strategy and the best business in the world, but if you don’t have the hearts and minds of the people who work with you, none of it comes to life,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?