158
Pinay itinali sa puno ng amo dahil sa ibinilad sa araw na kasangkapan
By

Pinay itinali sa puno ng amo dahil sa ibinilad sa araw na kasangkapan

Lumabas sa imbestigasyon na kaya iginapos sa puno ang isang Filipina maid ng kaniyang amo ay dahil iniwan nito sa ilalim ng sikat ng araw ang mga furniture.

Ilang buwan na umanong nagtatrabaho sa isang marangyang pamilya sa Riyadh, Saudi Arabia si Lovely Acosta, 26.

Kuwento niya, nagalit umano ang mga employer niya nang iwan ang mga mamahaling furniture sa arawan.

Nakabalik na sa  Pilipinas noong Mayo 9 si Acosta.

Pinarusahan umano it ng amo dahil sa naiwanang nakabilad  sa araw ang mamahaling muwebles at namuti umano, kaya  bilang  parusa  ay ibinilad  din siya  ng  amo habang  nakatali sa  isang  puno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?