186
arestado

Pinay DH nagnakaw sa amo, kalaboso

Hinatulang makulong ang isang Filipina domestic helper sa Hong Kong matapos umanong pagnakawan ang kanyang employer ng HK$100 (mahigit P600) sa Braemar Hill noong Enero 19.

Umamin sa kanyang ginawang pagnanakaw si Melody C.F., 36-anyos, sa Eastern Magistrates’ Courts Principal Magistrate Peter Law nitong Enero 21.

Sinentensiyahan lang siyang makulong ng isang linggo matapos nitong aminin ang ginawang krimen.

Ginawa umano ng Pinay ang pagnanakaw para maipadala sa kanyang anak sa pag-aaral nito.

Noon lang umanong Setyembre 2018 nagsimulang magtrabaho sa kanyang amo si Melody.

Natuklasan lang ang pagnanakaw ng suspek nang magtaka ang employer kung bakit lagi siyang nawawalan ng pera.

Para umano mahuli si Melody, isinulat ng employer nito ang serial numbers ng kanyang mga pera at inilagay ito sa bag noong Setyembre19.

Kinagabihan, nawala ang HK$100 niya kaya agad siyang tumawag sa pulis.

Nakita ang pera sa loob ng wallet ni Melody. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?