106

By

Pinay 5, may gold na sa SEA Games

Nagkamit na rin ng kauna-unahang medalyang ginto ang Gilas Pilipinas sapul noong 1977 sa Southeast Asian Games women’s basketball, sorpresang dinurog ang five time titlist Thailand, 91-71, Martes ng gabi sa MOA Arena, Pasay.

Nanguna sa opensiba si Jack Animam sa pagpapasiklab ng game-high 21 points na may sahog pang 5 rebounds upang maibigay sa bansa ang buwenamnong gold medal sa loob ng 42 taon.

Umgapay si Janine Pontejos ng 16 markers habang tig-11 puntos sina Ana Castillo at Kelly Hayes.

‘Di rin nagpahuli ang isa pang NU pride na si Afril Bernardino na 10 markers at 14 boards at 5 assists

‘Di umubra ang 15 points ng ni Thai team captain Tiffany Christine Bias upang upang maisalba ang kanyang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?