130,273

Apr 7, 2020 @ 17:57
By

Pinasa lahat ng estudyante, nag-refund ng tuition fee, Ateneo sinaluduhan

Kanya-kanya nang panawagan ang mga netizen sa kanilang unibersidad dahil sa kabutihang-loob ng Ateneo sa kanilang mga estudyante.

Ito’y matapos ianunsyo ng paaralan ang pinaiksi nilang second semester na hanggang Mayo 8 na lang.

Matapos naman ay binigyan ng passing mark ang lahat ng eligible non-graduating students nila.

Ire-refund din ng Ateneo ang P20,000 sa tuition fees ng mga estudyante at 60% ng laboratory fees.

Samantala, naglabas din ng memo ang Ateneo para naman sa mga graduating student nito.

Makakatanggap din ang lahat ng graduating student ng “P” o passing marks pero may opsyon silang mag-request ng letter grades.

“They will also be cleared for graduation provided that they satisfy certain conditions,” saad sa nilabas na memo ng paaralan na binahagi sa Twitter account na @TheGUIDON.

Kaya naman nag-trending ito ngayong Abril 7 sa Twitter Philippines.

@kngperez: “School administrators decided to end the semester early and AUTOMATIC PASS everyone,,, also, they have given scholars affected by ECQ 5000 CASH WTF ATENEO YOURE SO KIND.”

@ElctroLychee: “ATENEO DOING THE RIGHT THING. 1. Shortened AY thus, passing all students 2. Refund part of tuition fee 3. Proposed graduation schedules.”

@nunosabunso: “So, pinaikli ng Ateneo ang academic calendar nila and they decided to give all of their students a passing mark. What’s up UST? Are you up for the challenge? Lez gooo! Chz.”

@catedicaprio: “autopass na graduating students ng ateneo?? plus may refund sa tuition?? ust pls take notes.”

@whitepepper111: “Meanwhile at ateneo. Keep up naman dlsu.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?