30

May 21, 2020 @ 19:54
By

‘Pinas nasa 1st wave ng local community transmission – DOH

Nararanasan sa Pilipinas sa ngayon ay unang bugso ng local community transmission ng coronavirus disease.

Ayon ito kay Department of Health (DOH) Director IV Beverly Ho nitong Huwebes, isang araw matapos ilantad ni Health Secretary Francisco Duque III na nararanasan na ng bansa ang second wave ng infections.

“The DOH confirms that, yes, we are in the first wave driven by a local community transmission,” saad ni Ho sa isang virtual press briefing.

“Kung matatandaan n’yo po, local community transmission happened noong nagsimula po tayo mag-report ng cases ng mga kababayan natin na walang exposure sa mga positive cases o kaya walang travel history,” paliwanag pa niya.

Matatandaang nagkaroon ng kalituhan dahil taliwas sa sinabi ni Duque, wala pa raw ang Pilipinas sa second wave ng pandemic, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Humingi naman ng paumanhin tungkol dito si Ho.

“We apologize for the confusion that this has caused but we hope that this does not in any way distract us from what we need to do to change the course of this pandemic,” ani Ho.

Sa ngayon ay mayroon nang 13,434 na kaso ng virus sa bansa kabilang ang 3,000 na nakarekober at 846 na namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?